HALOS 97 libong mga menor-de-edad ang nailigtas ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa child labor.
Batay sa ulat ni DOLE-Bureau of Workers for Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla, madalas nakikita ang mga menor-de-edad na ito sa pagsasaka, pangingisda o pag-aalaga ng alagang hayop at iba pa.
Ayon kay Trayvilla, ang mga batang edad 15-17 ay hindi pa maaaring magtrabaho sa mga delikadong gawain kung kaya’t kailangan ng DOLE na makuha sila dito.
Alinsunod na rin ang pagpupursigi ng DOLE sa Philippine Development Plan 2017-2022 kung saan layunin nito na mabawasan ang child labor sa mga delikadong gawain ng hanggang 30%.
Nai-profile na ng DOLE ang aabot sa 460,269 na mga menor-de-edad at patuloy na inaalam ng ahensya ang maaaring tulong na ipaabot sa mga bata at sa kanilang pamilya.