DOH, nagbabala sa scam ng One COVID-19 Allowance sa mga healthcare workers

DOH, nagbabala sa scam ng One COVID-19 Allowance sa mga healthcare workers

PINAAALAHANAN ng Department of Health (DOH)-Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) ang mga healthcare workers laban sa scam ng kumakalat na text messages kaugnay sa One COVID-19 Allowance (OCA).

Inihalimbawa ng DOH ang text message ukol sa pagkuha ng OCA sa pamamagitan ng pagpadadala ng email.

Pero sinabi ng DOH-MMCHD na ang naturang mensahe ay hindi nagmula sa kanilang ahensiya kaya huwag maniwala o magpaloko.

Ang pagkuha aniya ng OCA ay direktang ipinaaalam o ipinararating sa benepisyaryo na may kumpletong dokumento.

Sa ilalim ng OCA ay makatatanggap ng allowance ang healthcare worker depende sa kanilang risk exposure o P3K para sa low risk; P6K para sa medium risk at P9K para sa high risk.

Follow SMNI NEWS in Twitter