MAYORYA ng mga Pilipino ang nais na gawing prayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkontrol sa inflation rate.
Sa pinakabagong Pulse Asia survey, nasa 57% ng mga Pilipino ang nais makontrol ng pamahalaan ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng mga bilihin.
Nasa 45% naman ng mga Pilipino ang nais matalakay ang taas ng sweldo ng mga manggagawa.
Habang 33% ang nais na maresolba ang kahirapan, 29% ang nais na lumikha ng maraming trabaho, 20% ang nais labanan ang graft and corruption sa gobyerno at 15% ang nais na ipatupad ang batas sa lahat, maimpluwensya man o ordinaryong tao.
Ilan pa sa mga isyu na nais ng mga Pilipino na tugunan ng administrasyon Marcos ay ang paglaban sa kriminalidad, pagpromote ng kapayapaan sa bansa, pagbibigay ng tulong o subsidiya sa mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa COVID-19 pandemic at pagtugon sa problema sa involuntary hunger.
Ang Pulse Asia survey ay isinagawa mula Hunyo 24-27 na may 1,200 adult respondents.