ARESTADO ang claimant ng P5.07 milyong halaga ng ecstasy sa isinagawang controlled delivery operation ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cebu City.
Ayon sa BOC, idineklara ang package bilang mga damit pambabae at nagmula sa Netherlands.
Ngunit nadiskubre sa package na naglalaman ito ng 2,984 piraso ng ecstasy.
Inaresto naman ang claimant dahil sa posibleng paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act) at RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).