Mga PUJ drivers sa MOA terminal, sinorpresa ng drug test at road worthiness test

Mga PUJ drivers sa MOA terminal, sinorpresa ng drug test at road worthiness test

ALAS sais ng umaga ay sinorpresa ng random drug test ang mga UV at jeepney drivers sa terminal ng Mall of Asia (MOA).

Pasado alas singko ng umaga nang ikinasa ang Oplan Harabas, ito ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) at Land Transportation Office (LTO).

Unang nilalapitan ng grupo ang mga driver na pinaghihinalaang naka-droga upang imbitahan na magpa-drug test.

Bukod sa drug testing, tinitingnan din ng Oplan Harabas ang road worthiness ng mga sasakyan.

Kabilang sa mga nasita ay ang mga may depektibong handbrake, pudpud na mga gulong at mga drivers na naka tsinelas lamang.

Ayon sa LTO, maximum tolerance ang kanilang pinaiiral. Ibig sabihin walang natiketan sa mga nasita.

Sa kabila nito ay sinabi ng LTO na hindi nila palalampasin ang mga kolorum at ang mga nagmamaneho na walang lisensya.

Ngayong Biyernes, Abril 8 ang unang araw ng Oplan Harabas.

Layunin nito na masigurong safe ang biyahe ng ating mga kababayan hanggang sa matapos ang Semana Santa.

Bukod sa MOA Terminal ay mayroon ding nangyayaring drug test at inspection sa PITX Terminal sa may Parañaque City.

BASAHIN: LTFRB, agad na mamamahagi ng subsidiya kapag natanggap na nila ang resolusyon ng COMELEC

Follow SMNI News on Twitter