Halaga ng mga nasabat na droga sa NAIA sa huling 4 na taon ni PRRD, umabot sa halos P2.6B

Halaga ng mga nasabat na droga sa NAIA sa huling 4 na taon ni PRRD, umabot sa halos P2.6B

KINUMPIRMA ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa SMNI News na umabot sa halos P2.6B halaga ng mga nasabat na droga sa paliparan.

Aminado ang BOC na kahit anong paghihigpit sa pagsugpo ng mga iligal na droga na nagtatangkang pumasok sa Pilipinas ay hindi pa rin ito tumitigil kahit ilang dekada na ang lumipas.

Sa isang press conference, sinabi ni Assistant Commissioner Atty. Vincent Maronilla ng BOC na hindi na talaga tumitigil ang mga nagbabakasaling magpalusot ng droga sa bansa.

Ayon pa sa opisyal ang mabisang paraan na lamang aniya sa mga ganitong problema ay walang patid na paghuli sa mga nagbabakasaling magpalusot ng droga sa bansa.

Giit pa ni Maronilla na kahit pa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay hindi nagpapabaya ito na masugpo ang mga iligal na droga sa mga paliparan sa bansa.

Sa ilalim ng Duterte administration mula taong 2018 hanggang sa taong  kasalukuyan umabot na sa 137 ang isinagawang drug bust ng BOC-NAIA o nasa kabuuang  P 2,594,860,000.

Port of NAIA Drug Busts:

2018 – 30

2019 – 31

2020 – 43

2021 – 57

2022 – 16 (As of July 18)

Port of NAIA Drug Busts

2018 to July 18, 2022

2018 – ₱363.77 million

2019 – ₱308.3 million

2020 – ₱1.72 billion

2021 – ₱174.33 million

2022 – ₱28.46 million

Samantala, naniniwala ang BOC na sa ilalim ng bagong administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay mas mapapaigting pa ang pagsugpo ng iligal na droga sa mga paliparan sa bansa.

Tiniyak din ng BOC na sapat ang mga kagamitan sa NAIA para sa pag-detect ng mga iligal na droga na dumarating sa paliparan.

 

Follow SMNI News on Twitter