DepEd, inilabas ang guidelines para sa enrollment ngayong SY 2022-2023

DepEd, inilabas ang guidelines para sa enrollment ngayong SY 2022-2023

INILABAS na ng Department of Education (DepEd) ang guidelines hinggil sa magiging paraan ng enrollment ngayong pasukan ng Academic Year 2022-2023.

Batay sa DepEd Order No. 35, maaaring makapag-enroll sa pamamagitan ng in-person, remote at pagpapadala sa dropbox form.

Para sa in-person, maaaring magulang at mag-aaral ang pisikal na magpo-proseso sa enrollment subalit kailangan sundin ang minimum health standards.

Sa remote enrollment, maaaring mag-fill out sa iba’t ibang digital forms at ipadala sa official email address o messaging platforms ng paaralan na papasukan.

Sa dropbox enrollment, maaaring magfill-out ng forms ang mga magulang at estudyante sa kanilang bahay at pisikal na isumite sa drop boxes ng paaralan.

Magsisimula ang pasukan sa Agosto 22 at para sa mga paaralang nasa ilalim ng DepEd, pinagsamang in-person at distance learning ang ipatutupad sa Agosto hanggang Oktubre.

5 araw na face-to-face classes naman pagdating ng Nobyembre.

 

Follow SMNI News on Twitter