VP Sara Duterte, ipinangako ang mas accessible, equal at quality education sa ilalim ng Marcos admin

VP Sara Duterte, ipinangako ang mas accessible, equal at quality education sa ilalim ng Marcos admin

IPINANGAKO ni Vice President Sara Duterte na mas pauunlarin niya ang Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ito ang kanyang naging mensahe sa isinagawang pagsasalin ng katungkulan sa departamento.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng maganda nang programa sa kasalukuyan sa panahon ng Duterte administration.

Sa kanyang speech ay pinuri ni VP Inday Sara si dating Education Secretary Leonor Briones dahil maayos nitong naisagawa ang mandato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa edukasyon.

Isa sa flagship program ng Duterte administration sa DepEd at ng Commission on Higher Education (CHED) ay ang pagkakaroon ng libre subalit de kalidad na edukasyon para sa mga mahihirap.

Follow SMNI NEWS in Twitter