PINASALAMATAN ni PLtGen. Vicente Danao Jr. ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa kanyang tatlong buwang pag-upo bilang OIC ng PNP.
Aniya, malaking bahagi ang pakikiisa ng mga kawani ng organisasyon sa nagpapatuloy na kaayusan sa bansa.
“I would like to express my deepest gratitude to everyone who helped and worked with me during my three-month stint as the Officer-in-Charge of the Philippine National Police. Every one of you became a part of my commitment and dedication to achieve a lasting peace and order in our country,” pahayag ni Danao.
Isa aniya sa mga maipagmamalaki ng kanyang maiksing panunungkulan ang pakikipagtulungan ng lahat upang itaguyod ang maayos at payapang national and local elections 2022 hanggang sa matagumpay na inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kabilang sa ipinagmalaki ni Danao ang katatapos lang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan walang anumang karahasan ang naitala sa mga nabanggit na malalaking aktibidad sa bansa.
“To all the 226,000 PNP uniformed and non-uniformed personnel, thank you very much for being so dedicated that made my job easier to accomplished especially during the successful conduct of the national and local elections, the inauguration of the newly elected President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. as well as his first State of the Nation Address,” ayon kay Danao.
Nakita rin ng heneral ang dedikasyon ng lahat na hindi nagpatinag at matiyagang nagbantay, umulan man o umaraw habang tinutupad nito ang kanilang mga sinumpaang tungkulin.
Kasabay nito ang paalala at pakiusap sa mahigit 200 libong kasapi ng organisasyon na ibigay ang buong suporta nito sa bagong talagang PNP Chief na si Police General Rodolfo Azurin Jr.
Naniniwala si Danao na higit pang magiging epektibo ang buong pwersa ng PNP sa pamamagitan ng mahigpit na pagtupad sa kanilang mga sinumpaang tungkulin.
“May I now urge you to continue doing our best in providing genuine service and support for all the upcoming plans and programs of our newly installed Chief, PNP, Police General Rodolfo Azurin Jr., let us all support him as we carry out the missions and functions that will greatly contribute to our vision of becoming a highly capable, effective, and credible police force,” saad ni Danao.
Batay sa rekord, si General Azurin ay miyembro ng Philippine Military Academy makatao Class of 1989.
Bago naging hepe ng ahensiya, itinalaga siya bilang PNP Area Commander for Northern Luzon kung saan sakop nito ang Ilocos-Pangasinan Region, Cagayan Valley Region, Central Luzon, at ang Cordillera Region.
Sa kanyang pagbabalik sa Kampo Krame, matatandaang naging bahagi rin siya sa mga mahahalagang posisyon ng PNP gaya ng PNP Directorial Staff as PNP Director for Comptrollership (DC) and Director for Information and Communication Technology Management (DICTM) at marami pang iba.
Nauna nang nakitaan ng malawak na karanasan si Azurin mula sa operational hanggang sa administrative assignments nito bilang police director ng Region 1.