AFP chief of staff Andres Centino, sinimulan nang magpaalam sa tropa ng militar

AFP chief of staff Andres Centino, sinimulan nang magpaalam sa tropa ng militar

BINISITA ni AFP chief of staff General Andres Centino ang 66th Infantry “Kabalikat” Battalion bilang bahagi ng kanyang exit visit sa iba’t ibang ground units ng Philippine Army.

Sakay ng S70i Blackhawk helicopter, sinalubong si Centino ni 10th Infantry “Agila” Division commander Major General Nolasco Mempin sa pagdating sa New Bataan, Davao de Oro.

Ang 66IB ay ang unang yunit ni Centino kung saan siya ay nagsilbi bilang platoon leader at pagkatapos ay bilang acting commanding officer ng Charlie Company mula Agosto 1, 1988-Pebrero 15, 1991.

Sa mensahe ni Centino, pinaalahanan nito ang mga sundalo na panatilihin ang tagumpay ng yunit at ang sinumpaang tungkulin sa bayan at sa mamamayan.

Pagkatapos nito, binigyan si Centino ng isang memento na nagpapakita na insurgency-free ang area of responsibility ng 10ID.

Follow SMNI NEWS in Twitter