POSIBLENG wakasan na ng Japan ang pre-arrival COVID-19 testing nito para sa papasok sa bansa na nabakunahan na.
Sa kasalukuyang batas na umiiral ay nangangailangan ang mga maglalakbay sa bansa na magpakita ng negatibong test sa loob ng 72 oras ng kanilang departure.
Dahil sa posibleng pagbabago ay maaaring dumoble ang bilang ng mga indibidwal na pumapasok sa bansa.
Ang arawang limitasyon sa mga turista ay itataas sa 50k katao mula sa naunang bilang na 20k.
Matatandaan na isa ang Japan sa mga bansa na binibisita ng mga turista dahil sa magandang kultura at tanawin dito.