BTA chief minister, tiniyak na tututukan ang pagkumpleto ng priority legislation sa BARMM

BTA chief minister, tiniyak na tututukan ang pagkumpleto ng priority legislation sa BARMM

TINIYAK ng chief minister ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pagtutuunan ng pansin ng BTA ang pagkumpleto ng lahat ng priority legislation.

Ayon kay BTA interim chief minister Murad Ebrahim, kabilang dito ang “Bangsamoro Electoral Code at Bangsamoro Local Government Code.

Para sa natitirang panahon ng transisyon, sinabi ni Ebrahim na target nilang isabatas ang Bangsamoro Indigenous Peoples’ Rights Act, Gender and Development Code, IDP Law, Magna Carta for Persons with Disabilities, Irrigation Systems Bill at ang Energy Development Corp. ng Bangsamoro Charter.

Dagdag pa ni Ebrahim, tatapusin nila ang pagtatatag ng isang pamahalaan na hindi lamang handa para sa mapayapa at maayos na halalan sa 2025, kundi isang gobyernong may kakayahang ipagpatuloy ang pagbabago ng BARMM sa isang progresibo at tumutugon na rehiyon.

Pahayag pa ng chief minister, ang ganap na pagpatutupad ng mga kasunduang pangkapayapaan ng Bangsamoro ay magiging isa sa pinakamalaking pamana ni Pangulong Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter