INILUNSAD sa Barangay Namayan sa Mandaluyong City ang kauna-unahang barangay mobile application sa bansa kamakailan.
Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos kasama si Namayan Chairman Victor Emmanuel “Dondon” Francisco ang paglulunsad ng 1namayan mobile app.
Ayon sa Mandaluyong LGU na layon ng nasabing application na dalhin ang mga serbisyo-publiko sa mga residente nito nang mas mabilis, mas maginhawa, at mas ligtas.
Maliban dito ang 1Namayan app ay magsisilbi ring portal para sa pag-uulat ng mga emergency situation, tulad ng paghiling ng ambulansya at first aid, at paghahain ng mga reklamo, pag-uulat ng mga aksidente, alitan, at mga krimen sa kalye.
Ang 1Namayan mobile app ay libreng i-download sa opisyal na website ng barangay www.1namyan.com.