Pangulong Marcos, nakipagpulong sa mga CEO ng Digital Infrastructure Industry sa New York City

Pangulong Marcos, nakipagpulong sa mga CEO ng Digital Infrastructure Industry sa New York City

NAGKAROON ng second roundtable dialogue si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama ang Chief Executive Officers (CEOs) ng Digital Infrastructure Industry sa New York, USA.

Kasama ni Pangulong Marcos sa naturang pulong nitong Setyembre 22 ang mga miyembro ng kanyang official delegation.

Kabilang din ang key executives mula sa iba’t ibang private companies na nagpahayag ng interes na mamuhunan sa digital infrastructure ng Pilipinas.

Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA), nabanggit ni PBBM ang pagsusulong ng gobyerno na mapabuti ang digital connectivity sa bansa.

Kasama rin ang pagtugon sa ‘digital divide’ upang matiyak ang tuluy-tuloy na paghahatid ng mga pampublikong serbisyo.

Mababatid na naatasan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na pangunahan ang digital transformation ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter