NAGKAMAYAN sina Presidential Son at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos at US President Joe Biden.
Nangyari ito sa sidelines ng pagkikita nila Biden at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa New York.
Sa Facebook post ng batang Marcos, nakalagay sa caption ang katagang ‘POTUS’ o President of the United States.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakasama ni Sandro ang kanyang amang si PBBM sa mga state visit matapos ang naunang pagbisita ng Pangulo sa Indonesia at Singapore.
Nauna nang sinabi ni PBBM sa isa sa kanyang mga vlog na ipinapakita nito kay Sandro kung paano ang pag-handle sa mga state visit gaya ng panahon niya noon sa kanyang ama na si former President Ferdinand E. Marcos, Sr.
Pabiro pang sinabi ni PBBM na baka magkaroon ng sariling state visit si Sandro sa hinaharap kaya ngayon palang ay natututo na ito nang maaga.