OTS , muling nagpaalala sa mga pasahero na ipinagbabawal ang pagdadala ng bala o baril na walang lisensya

OTS , muling nagpaalala sa mga pasahero na ipinagbabawal ang pagdadala ng bala o baril na walang lisensya

MULING nagpaalala ang Office for Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa lahat ng pasahero na mag-ingat sa pagdadala ng anumang bala o baril na walang lisensya.

Ang paalala ay matapos mahuli ang 2 pasahero sa dalawang magkahiwalay na insidente habang bitbit ang kanilang bagahe na naglalaman ng 50 piraso ng live ammunition ng caliber 38 at isang walang lisensya na 22 caliber na baril patungong Cagayan de Oro at Bacolod.

Ang pasaherong papunta ng Bacolod na nagdala ng mga naturang bala ay inaresto dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10592 matapos bigo itong magpakita ng mga dokumento.

At ang pasahero naman na patungong Cagayan de Oro na nagdala ng baril ay sasampahan ng kaso laban sa pasahero ng illegal possession of firearm na labag sa RA 10591, matapos mabigo itong magbigay ng kaukulang mga dokumento.

 

 

 

Follow SMNI News on Twitter