Mahigit 83,000 pasahero sa NAIA ngayong Undas, inaasahan ng MIAA

Mahigit 83,000 pasahero sa NAIA ngayong Undas, inaasahan ng MIAA

INAASAHAN ng Manila International Airport Authority (MIAA) na aabot sa 83,000 pataas ang bilang ng mga pasahero na dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ngayong paparating na ang Undas.

Inihayag ni MIAA General Manager Cesar Chiong na nakikipag-ugnayan na sila sa mga airlines company para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ng NAIA sa nasabing araw.

Sa panayam ng SMNI News kay Cesar Chiong, sinabi nito na inaasahan na ngayong paparating na ang Undas ay mas tataas pa ang bilang ng mga flights sa NAIA partikular na sa domestic flight.

Aniya, sa ngayon pinaghahandaan nila ang counter, equipment, deployment ng mga tao, at iba pa hinggil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Gayunpaman, mahalaga pa rin aniya na nasusunod ang health and safety protocol sa mga pampublikong lugar at lalo na sa loob ng eroplano ngayong naririyan pa rin ang banta ng COVID-19.

“Mandatory pa rin ang lahat ng enclosed spaces, lahat ng public areas specially sa eroplano sa loob ng airport mandatory po natin ‘yun. So medyo tumataas pa rin ang cases, so we have to make sure that we follow safety protocols po,” pahayag ni Chiong.

Kinumpirma rin ng MIAA Chief na sa ngayon umaabot na sa 120% ng pre pandemic level ang dagsa ng mga pasahero sa NAIA para sa domestic habang 50% pa lamang sa  international.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga pasahero na maging maaga ang pagpunta sa paliparan lalo na ngayon na bumibigat na rin ang daloy ng trapiko patungong paliparan.

“We would like to tell all our passengers na sana po they come in early specially sa domestics 3 hours po siguro maganda ‘yun. Mas mabuti nga ho kung naka-check in online na sila para hindi masyadong congested sa check-in counters. Sa international naman po mas maganda talaga kung mas maaga sila kasi to make sure na ‘yung mga requirements from other countries maa-address natin ‘yun,” ayon kay Chiong.

May paalala naman ang Chief Corporate Affairs Officer ng Cebu Pacific na si Michael Ivan Shau sa mga pasahero ng kanilang airlines.

“Normal reminder namin is that hand-carry. Your hand-carry item assist you in boarding and deplaning quicker. Make sure there’s one piece within the weight allowance. Your check-in bags if you have please order them in advance and make sure you come to the airport prepared in a properly packed luggage so that it’s able to be protected here in the flight,” aniya.

Ang pahayag ng mga opisyal ay  kasunod sa isinagawang panunumpa ng mga bagong itinalagang opisyal ng NAIA Press Corp. na pinangunahan ni Cebu Pacific President and CEO Lance Gokongwei sa harap ni DOTr Sec. Jaime Bautista, MIAA General Manager Cesar Chiong, at iba pang opisyal sa government agencies na ginanap sa Crown Plaza.

“I’m glad to be here to be able to express my appreciation to all those here who have made the success of the Philippine aviation sector possible. I’m very excited that great things will happen and will continue to happen with the aviation industry,” pahayag ni Gokongwei.

“I pray this new set of new officer of the Airport Press Club will also adopt those values. I hope you remain impartial and truthful, I hope you will remain my closed allies and my closed friends. Again congratulations and mabuhay!,” pahayag naman ni Bautista.

Follow SMNI NEWS in Twitter