Positive approval rating on calamity response, welcome development –DSWD

Positive approval rating on calamity response, welcome development –DSWD

WELCOME development para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang positive approval rating na natanggap ng ahensya mula sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa survey, 78% ng mga Pilipino ang aprub sa performance ng administrasyon kaugnay sa pagresponde sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.

Kinilala naman ng DSWD ang ambag ng local government units sa magandang latag ng responde sa panahon ng emergency.

Kinilala rin ng ahensya ang magandang ugnayan ng mga ahensya sa ilalim ng NDRRMC kung saan sila miyembro sa paglalatag ng pre-positioned goods bago tumama ang sakuna.

Nanawagan naman ang DSWD sa LGUs, national government agencies, international agencies at private sector na paigtingin pa at tulungan para mapagbuti ang logistical capabilities ng tanggapan sa hangarin na makatulong sa mas maraming Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter