NASA halos isang bilyong piso na pondo ang nakalaan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of Civil Defense (OCD) bilang standby funds sa disaster relief response ng pamahalaan.
Ito ang iniulat ng Office of the Press Secretary base sa pinakabagong consolidated report ng NDRRMC at OCD as of September 25.
Samantala, nasa halos PHP 1.09 bilyon na halaga naman ng food packs at ibang essential items ang nakahanda sa iba’t ibang strategic points para sa mabilis na pamamahagi ng gobyerno.
Bukod dito, saad ng OPS, nakapuwesto na rin ang mga kakailanganing emergency telecommunications equipment, generator sets, at water refilling assets para sa tuluy-tuloy na suplay ng maiinom na tubig sa iba’t ibang evacuation centers.
Patuloy naman ang paalala ng pamahalaan sa publiko na manatiling nakaantabay sa mga bagong updates mula sa mga kinauukulang ahensya hinggil sa Super Typhoon Karding.
