DINALUHAN ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang blessing at inauguration nitong umaaga ng magandang 2-storey barangay hall/multi-purpose building ng Bonuan Gueset.
Ito ay proyekto ni 4th District Congressman Christopher “Toff” de Venecia at ang pagpapasinaya ay bahagi ng maraming exciting events para sa kanyang birthday week celebration.
Kasama sina Vice Mayor BK Kua, Konsehal Dennis Canto at Konsehal Michael Fernandez, mga kapitan ng One Bonuan na sina Kap. Noel Bumanglag (Bonuan Gueset) at miyembro ng barangay council niya, Kap. Joseph Maramba (Bonuan Boquig) at Kap Joshua Gonzales (Bonuan Binloc).
Sa nasabing event, binanggit ng kongresista ang iba pang proyektong gagawin upang lalong mapalakas ang turismo sa One Bonuan, na siyang inaasahang makapagbibigay ng magandang kabuhayan sa lugar.