MAGSASAGAWA ng diplomatic consultations ang South Korea at Japan ukol sa isyu ng forced labor noong World War 2.
Naka-iskedyul na makipagkita ang Director General para sa Asia and Pacific Affairs na si Lee Sang Ryeol sa Japanese counterpart nito na si Takehiro Funakoshi.
Inaasahan na magpopokus ang pag-uusap nito sa isyu na bumabalot sa kompensasyon para sa forced labor ng Koreans noong World War 2.
Una nang nagkita ang dalawang diplomatiko sa Tokyo noong Agosto 26 ng taong ito.
Ang pagpupulong na ito ay sinundan naman ng Summit sa pagitan ng South Korea President na si Yoon Suk-Yeol at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Umaasa naman ang dalawang panig na magkakaroon ng breakthrough rito at maibabalik ang maayos na ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.