INILABAS ng Civil Service Commission (CSC) ang iskedyul para sa inaasahang Civil Service Exam sa 2023.
Ayon sa CSC, uunahin sa Pebrero 5, 2023 ang Career Service Examination para sa Foreign Service Officer.
Habang ang Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) ay gaganapin sa March 26 at August 13.
Magkakaroon naman ng Special Application Period para sa mga unrefunded examinees mula sa nakanselang March 2020 CSE-PPT sa December 14-21, 2022.
Habang ang application period naman para sa August CSE-PPT, ay magsisimula sa Mayo 2023.
Bukod dito, nakatakda ring mag-administer ng Basic Competency on Local Treasury Examination ang ahensya sa June 11, 2023.