CSC, inilabas na ang resulta ng Civil Service Exam ng Agosto

CSC, inilabas na ang resulta ng Civil Service Exam ng Agosto

INANUNSYO ng Civil Service Commission (CSC) na inilabas na nila ang resulta ng 2022 Career Service Examination-Pen and Paper Test para sa professional at subprofessional levels na ginanap noong Agosto 7.

Sa Facebook post ng ahensya, maaring bisitahin ang resulta ng pagsusulit sa kanilang CSC website na www.csc.gov.ph.

Listahan lamang ng mga pumasa ang naka-post sa website nito.

Sinabi pa ng CSC na lahat ng examinees, nakapasa man o hindi ay maaring makuha ang kanilang individual test results gamit ang online Civil Service Examination results generation system bago ang October 21 2022.

Binalaan din ng CSC ang publiko laban sa pag-access sa post sa ibang websites o social media platforms na hindi affiliated ng ahensya.

 

Follow SMNI News on Twitter