Choco Mucho, nagawang talunin ang F2 Logistics

Choco Mucho, nagawang talunin ang F2 Logistics

NAGAWANG manalo ng Choco Mucho laban sa F2 Logistics para makuha ang una nitong panalo sa 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Arena.

Naging madikit ang laban ng dalawang koponan na nagtapos sa 4 set sa iskor na 25-21,22-25,25-20,26-24.

Pinangunahan ng import na si Odina Aliyeva ang pagkapanalo ng Choco Mucho na nakapagtala ng 27 points, habang nag-ambag naman ng tag-11 points sila Bea De Leon at Kat Tolentino.

Nagbigay rin ng 7 points si Desiree Cheng habang mayroong tag-6 points sila Isa Molde at Cherry Nunag para sa Flying Titans.

Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Cargo Movers matapos itong talunin ng Chery Tiggo Crossovers.

 

Follow SMNI News on Twitter