FPRD-DOST, ilulunsad ang bagong training course sa plywood testing

FPRD-DOST, ilulunsad ang bagong training course sa plywood testing

ILULUNSAD ng Forest Products Research and Development Institute ng Department of Science and Technology (FPRD-DOST) ang isang bagong training course sa plywood testing.

Ayon sa ahensya, layon ng programa na matulungan ang local plywood industry sa bansa.

Magsisimula ang libreng training ngayong taon sa pamamagitan ng Training and Manpower Development Services Section ng DOST.

Saklaw ng kurso ang mga impormasyon ukol sa plywood testing gamit ang PNS/ISO 12465:2017 at raw material preparation para sa critical at full product testing.

Layon din ng pagsasanay na masiguro na ang mga partisipante ay tatalima sa testing standards na batay sa mandato ng Department of Trade and Industry- Bureau of Philippines Standard.

Para sa mga interesado maaaring mag- email sa [email protected].

Follow SMNI NEWS in Twitter