Bagyong Obet, patuloy na tinutumbok ang Luzon Strait; Signal No. 1, nakataas pa rin sa ilang lugar sa Luzon

Bagyong Obet, patuloy na tinutumbok ang Luzon Strait; Signal No. 1, nakataas pa rin sa ilang lugar sa Luzon

PATULOY na kumikilos ang Tropical Depression “Obet” pakanluran patungo sa Luzon Strait.

Sa 11am tropical cyclone bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 205 kilometro kada oras silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pabugsong umaabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes, Babuyan Islands, at Northeastern Portion ng Mainland Cagayan.

Inaasahan na magbabaybay ngayong hapon o magdamag sa pagitan ng Batanes at Babuyan Islands.

Direktang matamaan ng sentro ng bagyo ang hilagang bahagi ng Cagayan.

Inabisuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-ingat sa bahagi ng Cagayan, Batanes, Apayao, at Ilocos Norte.

Inaasahan din na lalabas bukas ng umaga si Bagyong Obet at lalakas ito na maging ganap na tropical storm habang kumikilos na papalabas ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter