NCRPO, ikinahihiya ang mga kabarong pulis na sangkot sa iligal na droga

NCRPO, ikinahihiya ang mga kabarong pulis na sangkot sa iligal na droga

IKINAHIHIYA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PBGen. Jonnel Estomo ang sinumang kabaro niya na masasangkot sa iligal na droga.

Kasunod ito ng kasalukuyang pagsasagawa ng imbestigasyon ng PNP hinggil sa 2 pang opisyal ng organisasyon na sangkot sa recycling ng iligal na droga sa Maynila.

Ayon sa impormasyon, nasa 42 kilos ng shabu ang naipuslit ng nasabing 2 opisyal.

Hirit pa ng heneral, malaking isyu ang iligal na droga kung kaya’t para sa kaniya, hindi ito dapat palagpasin at kung kinakailangan agad na paalisin sa kanilang hanay.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., tinitingnan na nila ang usaping ito sa ilalim ng isinasagawang imbestigasyon para tukuyin ang iba pang mga sangkot sa nakaraang 990 kilos na shabu na nasabat sa Maynila.

Follow SMNI NEWS in Twitter