Pamahalaan, desidido sa paglutas ng problema sa trapiko; Pagtataguyod ng key railway projects, ‘on track’

Pamahalaan, desidido sa paglutas ng problema sa trapiko; Pagtataguyod ng key railway projects, ‘on track’

DESIDIDO ang pamahalaan sa paglutas ng problema sa trapiko.

Ito ang inilahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan, nasa landas aniya ang gobyerno sa pagtataguyod ng mga pangunahing proyekto ng riles.

Kabilang dito ang Metro Rail Transit (MRT)-7, Light Rail Transit (LRT) -1 Cavite Extension, at ang Philippine National Railway (PNR) Clark Phases 1 at 2.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo, nais ng kanyang administrasyon na gawing mas praktikal na opsyon ang rail transit system ng bansa para sa Filipino commuters.

Pahayag pa ni Pangulong Marcos, determinado ang administrasyon na matugunan ang maraming oras na nasasayang dahil sa matinding pagsisikip ng trapiko.

Sakali namang makumpleto ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay inaasahang mababawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Quezon City at Pasay City.

Magiging 35 minuto na lamang ang travel time, mula sa dating isang oras at 30 minuto kapag natapos ang nasabing proyekto.

Bukod dito, inaasahan namang makikinabang ang mahigit kalahating milyong pasahero kada araw mula sa Valenzuela City hanggang Parañaque City.

Lilikha rin ng milyun-milyong trabaho at oportunidad ang Metro Manila Subway Project para sa mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter