Senator Imee Marcos bumisita sa bansang Inglatera nitong ika-30 ng Oktubre 2022

Senator Imee Marcos bumisita sa bansang Inglatera nitong ika-30 ng Oktubre 2022

NAG-IKOT sa ilang bansa sa Europa kabilang na ang bansang Inglatera si Senator Imee Marcos bilang Chairman ng Foreign Affairs sa Senado noong huling linggo ng Oktubre.

Mahigit isang daang katao ang dumalo sa ginawang pagtitipon na pinaunlakan ni Presidential sister at Senator Imee Marcos sa Doubletree Hilton Hotel, London United Kingdom upang makinig at sagutin ang ilan sa mga katanungan ng ating mga kababayang Pilipino.

Masayang nakipag-dayalogo ang senadora sa mga kababayan nating Pilipino dito sa London noong ika-tatlumpu’t tatlo ng Oktubre, linggo, lampas alas tres ng hapon.

Kwento ng senadora ay naglibot siya sa ilang bansa sa Europa kabilang ang bansang Inglatera o London UK upang ipakilala ang bagong administrasyon sa pamumuno ng nakababatang kapatid niya na ngayon ay ang Pangulo na ng Pilipinas na si President Bongbong Marcos.

“Wala kaming ginawa kundi pumunta at umikot sa iba’t ibang sulok ng Europa para ipaliwanag na bago yung administrasyon at huwag naman nila pag-buntongan na naman ng kung anu-anong akusasyon. Nakakasawa na, hindi po ba? At tuwang-tuwa ako, yan galing kami sa European Parliament, pagkatapos sa Brussels, sa Paris at ayan nga sa Amsterdam. Kaya’t andito tayong lahat, tuwang-tuwa akong makapiling kayo dahil hindi naman kakaiba ang London sa’kin, nag-aral kami dito ng matagal, kaming mga magkakapatid pati si Presidente Bongbong kaya’t tuwang-tuwa ako tuwing nakakapunta rito dahil kahit paano feeling ‘bagets’ na ulit pero ang totoo marami tayo ritong ‘bakets’,’’saad ni Sen. Marcos.

Nabigyan din ng pagkakataong magtanong ang SMNI sa senadora.

“Senator Imee, you have reiterated your call to upgrade the government’s disaster resiliency capabilities from mere disaster response, following the deaths of government rescuers in Bulacan, during Typhoon Karding. With the recent Typhoon Paeng that took hundreds of lives, nakita po namin na nanawagan ang ilang town and municipal mayors dahil kulang sila sa kagamitan sa pag-rescue ng mga naistranded, like rubber boats. Ano po sa tingin ninyo ang dapat nating gawin para agad na matugunan ang problemang ito ngayong may kasunod na naman daw po na bagyo?’’tanong ng SMNI correspondence.

“Oo nga. Sunod-sunod ang bagyo tapos yung lindol sa Abra at sa Cordillera hindi tumitigil, nakakatakot talaga yung lindol dahil sinasabi nila, aftershocks or tremors. Maniwala kayo yung aftershock or tremor higit pa sa 5 on the ritcher’s scale, ang lakas niya. Nakaka nerbyos. Kaya’t nakakatakot talaga. Maliban pa don, ang balita, sa ating mga bulkan nagkakaroon narin ng tunog. Parang may galaw daw kaya kabado talaga yung mga LGU. Naaawa nga ako sa mga mayor at gobernador. Hindi kakayanin pag malakihan; When it’s a very large disaster covering several towns, there’s simply no mayor or governor who can on its own do it. So matagal na ako nagsasabi na magtatag na tayo ng ahensya para lang sa disaster. Meron tayong tinatawag na NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) eh coordinating body yun. Napakahirap eh. Napakahirap nun dahil tatawag sa DSWD, tatawag sa DA para may pagkain, tatawag sa Public Works pag nasira ang tulay. Isa-isa tatawagan yun tapos doon na sa lindol, halimbawa sa Abra, nasa tuktok ng bundok, pupuntahan ng helicopter para sagipin eh tatawag muna sa AFP. Yung AFP na tiniente na nasa ibaba, tatawag muna sa heneral, yung heneral tatawag na naman sa…nako walang kataposan ang chain of command. Finally tatawag pa sa presidente. Double dead at triple dead na ang mga pobreng naghihintay sa tuktok ng bundok. Maigi pa, gumawa na tayo ng bagong ahensya katulad ng FEMA (Federal Emergency Management Ageny) sa Amerika na siya na ang in-charge diyan. At isang tawag lahat yan ma-aactivate at hindi na kailangan bulabugin pa yung presidente, yung chief of staff at kung sino-sino pa. So yun ang rekomendasyon ko. Pero syempre, dakilang ilokana- wag muna nating gawing department agad kasi kapag naging department, nauubos ang budget sa sahod ng sangkatutak na USEC. May USEC ba dito? Sorry ah,” ayon kay Senator Marcos.

Nakisimpatya rin ang senadora sa mga sakripisyo ng mga OFWs para maitaguyod ang kanilang mga pamilya at siya’y nagpasalamat sa kanilang malaking kontribusyon sa bansa.

“Kaya’t ito nga, napakahirap itong bansa natin kayo lang talaga ang inaasahan. Alam ko na tuwing lalakbay o nasa ibang bansa, akala ng ating ibang pamilya, ang ating mga kaibigan, “wala kayong ginagawa, wala tayong ginagawa rito kundi nagbabakasyon. Pero alam naman natin na sa kabila ng pagkakataon ng pagmimigrante at pagtatrabaho sa ibang bansa, napakahirap din ng pinagdadaanan ng OFW, ng mga resident, ng mga iba’t ibang Pilipinong nawawalay sa pamilya at sa sariling bansa. Mahirap din eh. Alam natin yun. Malungkot kung minsan. Minsan second class ka talaga. Minsan mismong pamahalaang Pilipino ang nagpapahirap sa dokumento. Shh.. Quiet.. Hindi sila. Alam na natin yun.. Anyway, magtulungan po tayo, asahan po ninyo na narito ako,” saad nito.

Ibinahagi rin ni Senator Imee ang kanyang tungkulin bilang bagong chairman ng Foreign Affairs Committee sa Senado na panatilihing mabuti ang ating ugnayan sa ating mga karatig bansa sa kabila ng tensyon nagaganap lalo na sa China at Amerika.

“Ako kasi ngayon yung Chairman yung tinatawag na Foreign Affairs Committee ng Senado. Committee yan ng tatay ko eh. Bakit kayo pumalakpak? Ang gulo noon eh. Ang gulo ng foreign affairs ngayon naiipit ang Pilipinas, alam naman ninyo ang sitwasyon. Namimiligro tayo. Nandiyan ang China na at the same time, meron tayong defense treaty sa US. Kaya kailangan talagang timpi-timpi, tiis-tiis. Kailangan talaga na matiisin at matiyaga ang ating pagta-trato sa magkabila,” paliwanag ng senadora.

Sa kabilang banda, binahagi din ni Senator Imee ang pangarap ng kanyang mga magulang na dagdagan pa ang specialised hospitals sa bansa.

“Panaginip ng magulang ko na madagdagan lahat ng mga specialist hospitals. Hindi lang heart, lung, and kidney.. Niloloko namin yung nanay ko noon. Mga Bopis hospital. Galit na galit na nga samin eh kasi di naman namin alam puro bopis. Anong bahagi ng katawan na naman yan. eh tapos sabi niya, hindi dapat masundan nga yan eh ng Orthopaedic kasi bulok na nga yung orthopaedic. Eh sabi ng papa ko, eh di dagdagan ng bulalo yung bopis. Kaya yun na nga ang nangyari at hanggang ngayon hindi pa naisasatupad. Yun ang nais naming mangyari na magkaroon ng mas matinong mga ospital. Specialists hospitals hindi lamang sa maynila kundi sa Cebu, sa Davao at kung saan kailangan pa, hangga’t kaya. Dagdagan ang hospitals. Tulungan ang nurse. Maraming salamat,” dagdag nito.

Meron din namang isang Marcos loyalist ang nagpakita ng mga lumang litrato ng pamilyang Marcos na ikinatuwa naman ng senadora.

Tumagal din ng halos dalawang oras ang pakikipag-dayalogo ng senadora at natapos ito ng pagpapaunlak ng pagkuha ng litrato kasama ang mga iba’t ibang grupo na dumalo.

Sa pagbisitang ito ni Senator Imee dito sa London, Hindi maikakaila na marami pa rin sa ating mga kababayan ang sumusuporta sa pamilyang Marcos at umaasa na sa pamumuno ng administrasyong Marcos ay maipapatupad nito ang pangakong mai-angat at maiahon ang maraming pamilyang Pilipino sa kahirapan.

Follow SMNI NEWS in Twitter