Ano ang Midterm Election ng Estados Unidos, at bakit ito mahalaga sa bansang Amerika

Ano ang Midterm Election ng Estados Unidos, at bakit ito mahalaga sa bansang Amerika

KUNG inaantabayanan ng buong mundo ang halalan sa pagkapangulo ng Estados Unidos kada eleksyon, inaantabayan din ng mga Amerikano ang tinatawag na Midterm Election na gaganapin sa Nobyemre 8, sa darating na Martes.

Iba’t ibang mga mahahalagang puwesto ng gobyerno ang uupo ngayong Nobyembre 8 o mas kilala sa tawag na Midterm Election dito sa Estados Unidos, at kung sino man ang mayoryang partido na mananalo sa halalang ito, ay uukit sa direksyon ng bansang Amerika.

Noong Nobyembre taong 2020, inantabayanan ng buong mundo ang tunggalian sa pagka Presidente ni Former Pres. Donald Trump at ang nanalo at kasalukuyang Presidente na si Joe Biden para sa US Presidential Election.

Ngayon naman, ang Estados Unidos ay nahaharap muli sa isang hamon ng pamamahala sa gaganaping Midterm Elections.

Ang halalan sa kalagitnaan ng termino o Midterm Election ay karaniwang ginaganap sa gitna ng ika-apat na taong termino ng panunungkulan ng isang pangulo.

Sa pagkakataong ito, gaganapin ito sa ika-8 ng Nobyembre, araw ng Martes.

Karamihan sa atensyon ng Midterm Elections ay nakatuon sa dalawang Kamara ng Kongreso: ang Senado at ang House of Representatives.

Apat naraan at tatlumpu’t limang puwesto ang maaaring makuha sa House of Representatives ng Estados Unidos at manunungkulan para sa dalawang taong termino.

Habang ang 1/3 ng isangdaang pwesto naman ang ihahalal sa Senado na manunungkulan ng anim na taong termino.

Ang halalan na ito ay hahalal din para sa tatlumpu’t anim sa limampung gobernador ng mga estado.

Ang ibang mga estado ay magkakaroon din ng iilang mga local na posisyon sa gobyerno tulad ng Mayor o City Council, City Controller, Atty general ng Estado at maging mga school board members.

Ang resulta ng Midterm Elections ngayong taon ay tutulong na matukoy ang tugon ng bansa sa pinakamainit na isyu na kinasasangkutan ng Amerika, tulad ng batas na may kaugnayan kay Roe V. Wade o ang Karapatan sa aborsyon, pederal na patakaran sa digmaang Ukraine-Russia, gun control issues at inflation.

Ang hakbang at desisyon ng mga isyung ito ay maaaring mapagpasyahan ng political landscape ng Kongreso, na matutukoy sa resulta ng paparating na Midterm Elections.

Sa madaling salita, tutukuyin ng Midterm Elections kung aling partidong pampulitika ng Estados Unidos, na Democrats at Republicans, ang kokontrol sa bawat Kamara ng Kongreso, batay sa mananalong mga kandidato nito.

Ang partidong kokontrol sa House of Representatives o Senado ang tutukoy kung aling mga isyu ang isasaalang-alang ng Kongreso at kung ito’y isusulong nila sa White House sa isang lehislatibong agenda.

Sa kasalukuyan, ang partidong Democrats na Partido ni Pangulong Jose Biden, ang kumokontrol sa Senado na may maliit na margin, ngunit maaaring itong mabago, pagkatapos ng Nobyembre 8.

Kung sisiyasatin, mas mababa ang bilang nga mga bumoboto sa Midterm Elections kung ikukumpara sa halalan sa pagkapangulo.

Gayunpaman, ang resulta ng halalang ito ang tutukoy sa kapalaran ng mga pangunahing isyu ng Estados Unidos sa mga darating panahon.

Follow SMNI NEWS in Twitter