NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), at Philippine International Trading Corporation (PITC).
Ginanap ang nasabing meeting sa Palasyo ng Malakanyang ngayong araw, Nobyembre 7.
Sa naturang pulong, tinalakay ang mga detalye ng pag-aangkat ng fertilizer kasama ang kakailanganing dami nito para sa taong 2023.
Napag-usapan din ang patungkol sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng DA at PITC.