Pang. Marcos, lalahok sa APEC Summit sa Thailand sa susunod na linggo

Pang. Marcos, lalahok sa APEC Summit sa Thailand sa susunod na linggo

DADALUHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 8th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Bangkok, Thailand mula November 16 – 19.

Ito ang  inihayag ng Office of the Press Secretary OIC Undersecretary Cheloy Garafil sa ginanap na Palace briefing ngayong araw.

Ang 21 member economies ng APEC ay tatalakayin ang patungkol sa sustainable trade at investment, pag-reconnect sa rehiyon at pag-chart ng mga landas patungo sa post-pandemic recovery maging sa inclusive at sustainable growth.

Ito ang unang APEC meeting para sa Presidente at ng kanyang administrasyon.

Unang in-person APEC Leaders’ Meeting din ito simula noong 2018.

Ang APEC ay premier Asia-Pacific Economic Forum na naitatag noong 1989 na may primary goal na suportahan ang sustainable economic growth and prosperity sa Asia Pacific Region.

 

Follow SMNI News on Twitter