TUMANGGAP ng social pension ang mahigit 12,605 rehistradong senior citizen sa lungsod ng Malabon mula noong Oktubre 11.
Ang pamamahagi ay nasa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P3,000 para sa ikatlo at ikaapat na quarter ng taon.
Dagdag pa ng Malabon LGU na magpapatuloy ang pamamahagi ng pensiyon sa iba pang barangay sa lungsod sa mga susunod na linggo.
Samantala ang mga senior citizen ay kailangang nakarehistro sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) Malabon para maging benepisyaryo ng programa.