NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos sa pormal na pagbubukas ng 40th and 41st ASEAN Summit and Related Summits.
Ginanap ang opening ceremony sa Sokha Phnom Penh Hotel.
Tinanggap ni Cambodian Prime Minister Hun Sen sina Pangulong Marcos at First Lady sa nasabing pagtitipon.
Present ang mga ASEAN leaders maliban lamang sa prime minister ng Malaysia na kasalukuyang nakatutok sa eleksyon sa kanilang bansa at hindi naman imbitado ang Myanmar dahil sa kabiguang ipatupad ang kasunduang pangkapayapaan na nauna nang tinalakay sa ASEAN Summit ng nakaraang taon.
Sa mga susunod na araw ay magiging abala si Pangulong Marcos sa mga nakalinya nitong bilateral meetings kabilang dito sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Brunei Prime Minister Hassanal Bolkiah at South Korean President Yoon Suk-Yeol.