Unang araw ni Pangulong Marcos sa Cambodia, naging produktibo

Unang araw ni Pangulong Marcos sa Cambodia, naging produktibo

NAGING produktibo ang unang araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang opisyal na pagbisita sa Cambodia.

Ito ang ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS).

Kabilang sa naging aktibidad ng Punong Ehekutibo, ay nagbigay-pugay ito kay Haring Norodom Sihamoni ng Cambodia.

Pagkatapos ito ng maagang pulong kasama ang business community sa bansa kung saan hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga Cambodian business leaders na mamuhunan sa Pilipinas.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Pangulong Marcos na makipagtalastasan kay  Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chin at Cambodian Prime Minister Hun Sen sa ASEAN Leaders’ Interface kasama ang Inter-Parliamentary Assembly (AIPA), ASEAN Youth, at ASEAN Business Advisory Council (ASEAN-BAC), nakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba sa mga isyung kinakaharap ng iba’t ibang miyembrong bansa ng ASEAN.

Nagsilbi ring pagkakataon ang pagtitipon upang mailahad ang iisang hangarin na magtulungan para sa magandang kinabukasan para sa rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter