HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kapwa nito pinuno na dumalo sa 17th East Asia Summit na paunlarin ang food security sa buong East Asia.
Ayon kay Pangulong Marcos, kinakailangang magkaisa at magtulong-tulong ang lahat na mga bansa lalung-lalo na sa East Asia upang malabanan ang banta ng global supply chain crisis.
Maliban pa rito, ninanais rin ni Pangulong Marcos na magkaroon ng estratehiya tungo sa holistic at sustainable development upang matiyak ang economic progress na hindi nakapipinsala sa kapaligiran.
Sa 17th East Asia Summit, nakasama ni Pangulong Marcos dito si Chinese Premier Li Keqiang, US President Joe Biden, New Zealand Prime Minister Jacinda Kate Ardern, Japanese Prime Minister Fumio Kishida, India Vice President Jagdeep Dhankhar, South Korea President Yoon Suk Yeol at Australian Prime Minister Anthony Norman Albanese.