Sen. Imee Marcos makabuluhang ipinagdiwang ang kaarawan sa Davao City

Sen. Imee Marcos makabuluhang ipinagdiwang ang kaarawan sa Davao City

KAMAKAILAN bilang pagdiriwang ng kaarawan ng tinaguriang ‘Ate ng bayan’ na si Senador Imee Marcos ay napili nito ang Davao City upang pagdausan ng kanyang espesyal na araw.

Kabilang sa mga aktibidad na bahagi ng kanyang kaarawan ay ang pagdalaw sa Crisis Intervention Center-Balay Dangupan kasama sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte.

Matapos ito ay nagtungo rin ang butihing senador sa Brgy. 19-B, Bacaca, Davao City upang bisitahin ang mga residenteng Moro na naninirahan sa lugar kasabay rito ng pamamahagi ng mga pagkain kabilang na ang nutriban at mga bigas sa ating mga kababayan.

Bilang surpresa, ang mga residente ay nakasama rin nito sa pamahahagi ang dating alkalde ng Davao at ngayo’y Vice President ng bansa Sara Duterte.

At di pa riyan natatapos ang makabuluhang selebrasyon ng kanyang kaarawan dahil kaakibat ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi rin ito sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa isang libong beneficiaries sa Davao City na ginanap sa Waterfront Insular Hotel.

Ang AICS ay tulong pinansyal na ipinapamahagi sa mga Pilipinong labis na nangangailangan.

Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng kanyang makabuluhang kaarawan ay isang simpleng salu salo naman ang ginanap din sa nasabing lugar kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan kabilang na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Vice President Sara Duterte, mga gobernador at iba pang opisyal gayundin ang Honorary Chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang pagdiriwang ng ‘Ate ng bayan’ na si Senador Imee Marcos ng kanyang kaarawan sa Davao City ay bahagi na rin ng pasasalamat at pagtitiwala mula sa mga Dabawenyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter