MAGSISIMULA ang mga pagpupulong ng mga world leaders mula sa ASEAN Region ngayong Huwebes, Nobyembre 10 at magtatapos ngayong Linggo.
Ang bansang Cambodia ang host ng 40th at 41st ASEAN Summits and related summits at ng 2nd ASEAN Global Dialogue.
Ayon kay Cambodian Prime Minister Hun Sen na siya ring chair ng ASEAN na handa na ang kanilang bansa para sa gaganaping pagpupulong ng mga ASEAN at iba pang world leaders.
Ilang top level meetings ang gaganapin sa ASEAN Summits gaya ng 25th ASEAN-China Summit, 25th ASEAN-Japan Summit; 23rd ASEAN-Republic of Korea Summit; the 25th ASEAN Plus Three Summit; ASEAN-India Summit; 10th ASEAN-US Summit; 2nd ASEAN Australia Summit; ASEAN-Canada Commemorative Summit; ASEAN-United Nations Summit at ang 17th East Asia Summit.
Samantala, hindi kasama sa listahan ng mga pagpupulong ang ASEAN-Russia Summit.
Inaasahan din ang pagkikita ng mga ASEAN heads of state kay Cambodian King Norodom Sihamoni na gaganapin sa Royal Palace.
Samantala magkakaroon rin ng iba pang pagpupulong sa ASEAN Summit sa pagitan ng Cambodian Prime Minister at ng iba pang mga ASEAN leaders gaya ng ASEAN Inter-Parliamentary Assembly, ASEAN Youth at ASEAN Business Advisory Council.
Highlight din sa ASEAN Summit ang nakatakdang 2nd ASEAN Global Dialogue on post COVID-19 recovery na dadaluhan hindi lamang ng mga ASEAN leaders kundi ng mga pangunahing international organizations.