Pilipinas, panahon na para mag-angkat ng pula at puting sibuyas –SINAG

Pilipinas, panahon na para mag-angkat ng pula at puting sibuyas –SINAG

NAPAPANAHON nang mag-angkat ng pula at puting sibuyas.

Iminumungkahi ni SINAG President Rosendo So na kinakailangan na itong hakbang upang masolusyonan ang mataas na presyo ng sibuyas sa kasalukuyan.

Ayon kay So, sasapat na ang 7.5-k metric tons ng puting sibuyas at 7-k metric tons sa pula upang hindi magkaubusan ngayong Disyembre.

Samantala, pabor naman si SINAG President So sa pagpapahinto sa pagbebenta ng imported salmon at pampano sa mga palengke at supermarket.

Inirikomenda rin nito na dapat kasama ring ipagbawal ang imported tuna.

Ipinaliwanag ni So kung ano ang dahilan sa likod ng pagbabawal na ito.

Sinabi naman ni So na matagal na nila itong nirereklamo subalit hindi nila maintindihan kung bakit nagtutuloy-tuloy.

Follow SMNI NEWS in Twitter