Pagkontrol sa presyo ng bilihin, pangunahing concern ng mga Pinoy –OCTA

Pagkontrol sa presyo ng bilihin, pangunahing concern ng mga Pinoy –OCTA

NANGUNGUNA pa ring alalahanin ng mayorya ng mga Pilipino ang pagkontrol sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

Batay ito sa OCTA Research Group survey ng 4th quarter na isinagawa mula Oktubre 23-27, 2022.

Ayon sa survey, 57% ng mga respondent ang nagsabing ang pagkontrol sa inflation ang pinaka-importanteng isyu na dapat aksyuhan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

48% naman ang nais aksyunan agad ng gobyerno ang pagpapabuti o pagtaas ng sahod ng mga manggagawa habang 46% ang nais ang abot-kayang pagkain.

Kabilang din sa national concern ang paglikha ng mas maraming trabaho na nasa 29%; pagbibigay ng libre at de-kalidad na edukasyon na nasa 26%, pagpapaba sa antas ng kahirapan na nasa 24% at paglaban sa katiwalian at korupsyon sa gobyerno na nasa 11%.

Samantala, bumaba naman sa 9% ang pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 virus.

 

Follow SMNI News on Twitter