INIHAIN ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” Vargas ang isang panukala na naglalayong mabigyan ng Christmas bonus ang indigent senior citizens.
Sa House Bill No. 6693 na inihain ni Vargas noong December 14, ninanais nito na makatanggap ng tig-iisang libong piso ang indigent senior citizens.
Hiwalay pa ito sa isang libong piso ng monthly allowance sa ilalim ng social pension for indigent seniors program.
Sa panukala, ibibigay ito bago ang December 25 ng bawat taon.
Ang kwalipikado rito ayon kay Vargas ay ang nasa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act at ng Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.