ILIBING na kasama kay Joma Sison ang CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Atty. Harry Roque, ito na ang tamang panahon para gumamit ng mapayapang paraan upang mapaunlad ang bansa.
Ipinaalala pa ni Roque sa mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na hindi kailanman nila nakasama si Joma sa pakikibaka para sa bansa dahil matagal na itong nasa Netherlands.
Kaya ito nga’t hinihikayat ni Roque na ihinto na rin ng mga natitirang miyembro nito ang kanilang ginagawa para sa kilusan.
Sinabi ni Roque na siguradong may papalit kay Joma bilang pinuno ng CPP-NPA-NDF subalit hindi na rin ito gaanong magiging epektibo kagaya nito.