Rep. Eric Yap, nais imbestigahan ang agri-smugglers na hindi nakukulong

Rep. Eric Yap, nais imbestigahan ang agri-smugglers na hindi nakukulong

KINUKWESTIYON ni Benguet Rep. Eric Go-Yap kung bakit hanggang ngayon ay wala pang agri-smugglers na nakukulong.

Sa kabila ito ng pagkakaroon ng maraming ebidensya laban sa mga smuggler ayon sa kongresista.

Dahil dito, sinabi ni Yap na plano niyang maghain ng resolusyon na layuning imbestigahan ng Kamara ang isyung ito.

Kamakailan lang ay nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P20-M na smuggled na sibuyas pula sa Mindanao Container Terminal Port, Misamis Oriental.

Aabot din sa 56.9 million pesos na misdeclared agri products ang nasabat sa Subic bago mag-Pasko.

Follow SMNI News on Twitter