PUMALO na sa P315.5 milyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Ito ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.
Apektado ang iba’t ibang lugar sa Mimaropa, Bicol, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Regions.
Nasa 10,182 magsasaka ang naapektuhan na may volume production loss na 3,049 metric tons, katumbas ito ng 15,566 ektarya ng agricultural areas.
Kabilang sa mga napinsala ay bigas, mais, high value crops na mga gulay, livestock at poultry.
Iba’t ibang interbensyon ang ginagawa ng kagawaran ng pagsasaka katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Mga binhi ng mais at bigas ang handang ipamahagi ng DA, gayundin naman ang para sa mga livestock at poultry.
Maaari ding mag-loan ang mga magsasaka na hindi bababa sa P25,000 mula naman sa survival and recovery (SURE) loan program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).