UP, suportado ang desisyon ni Carl Tamayo na lumipat ng professional league sa Japan

UP, suportado ang desisyon ni Carl Tamayo na lumipat ng professional league sa Japan

BAGAMAN umaasa ang University of the Philippines (UP) na manatili ang super rookie nitong si Carl Tamayo sa kanilang basketball program, suportado nito ang desisyon ng manlalaro nitong lumipat ng professional league sa Japan.

Kaka-anunsyo lamang ni Tamayo na aalis na ito ng Fighting Maroons matapos ang 2 lamang na season at tinanggap na niya ang alok na maglaro sa B.League ng Japan.

Ayon sa pahayag ng UP Men’s Basketball Team, naiintindihan at sinusuportahan nila ang naging desisyon ni Tamayo.

Sa loob lamang ng 2 season ni Tamayo sa UAAP, nagawa nitong manalo ng Rookie of the Year noong Season 84 at natulungan din nito ang kanyang team na manalo ng championship title.

Ayon din sa UP, nakatanggap na si Tamayo ng alok mula sa ibang bansa bago pa man ito maglaro sa UAAP at wala silang hiling kung hindi ang nakabubuti para sa manlalaro at parati nilang pahahalagahan ang mga panahong inilagi nito sa UAAP noong Seasons 84 at 85.

Follow SMNI News on Twitter