ABL, magbabalik-aksyon sa 2023 matapos ang 3 taong hiatus 

ABL, magbabalik-aksyon sa 2023 matapos ang 3 taong hiatus 

NAKATAKDA nang magbalik ang pinaka hinihintay na ASEAN Basketball League (ABL) sa 11th Season nito sa pamamagitan ng Invitational Tournament Series sa January 2023 matapos ang 3 taong hiatus nito.

Masayang inanunsyo mismo ni ABL Chief Operating Officer Kuhan Foo ang pagbabalik ng kauna-unahang Regional Basketball League sa Asia.

Sa pagbabalik ng sporting world matapos na matigil ang karamihan dito dahil sa pandemya, magmamartsa ang ABL sa Invitational Tournament kung saan maaabangan ang mga laro sa buong rehiyon simula January 2, 2023.

Pagkatapos nito ay magpapahinga ang liga sa Pebrero upang bigyang-daan ang international winfor para sa men’s basketball bago ang playoff at gawin ang finals sa Marso.

Ang ilan sa pinaka magaling na teams sa buong mundo ay nakatakdang manguna sa centerstage at magpakitang gilas sa 3 buwang Southeast Asian Basketball Spectacle.

 

Follow SMNI News on Twitter