ARESTADO ang anim na Chinese at isang Pilipino na umano’y nag-oorganisa ng isang abortion clinic sa Parañaque City.
Ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mayroong umalerto sa kanila patungkol sa kahina-hinalang pagbebenta ng mga gamot na ginagamit sa pagpapalaglag.
Gayundin ang kanilang sinasabing pagganap ng mga pamamaraan ng pagpapalaglag sa loob ng nasabing clinic.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng NCRPO ang mga nasabing suspek na sasampahan ng kasong illegal practice of medicine na nakapaloob sa Republic Act (RA) 2382 o Medical Act of 1959
At paglabag sa Food, Drug, and Cosmetic Act na kilala rin bilang RA 3720.