NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindol ang Abra de Ilog sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Naitala ang pagyanig sa 11 kilometro hilagang-kanluran ng Abra de Ilog, kaninang alas 9:09 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 106 kilometro.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Lubang, Occidental Mindoro; Calamba City; Calatagan, at Calaca, Batangas.
Intensity 4 sa Malvar at Lemery, Batangas; Calapan City, Oriental Mindoro; Mendez, Cavite; Limay, Bataan; Tagaytay City at Manila City.
Habang Intensity 3 sa Agoncillo, Cuenca, Lipa City at Talisay, Batangas; General Trias City at Dasmariñas, Cavite; Calamba, Laguna; Makati City, Muntinlupa City, Mandaluyong, Pasay City, Pasig City at Quezon City at San Pedro, Laguna.
Intensity 2 naman sa Caloocan City at Marikina City; Olongapo City, Zambales; Cavite City; Sta. Cruz, Laguna; Taysan, Batangas; Batangas City; Lucena City; Binangonan, Rizal; Dolores at Mulanay, Quezon habang Intensity 1 sa San Mateo, Rizal at San Francisco, Quezon.
Wala namang inaasahang pinsala matapos ang malakas na pagyanig pero nagbabala ang Phivolcs na asahan ang aftershocks.