MAY kapit sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang ABS-CBN kaya hindi napapanagot sa isyu ng Big Dipper.
Sa kanyang guesting sa SMNI TV program na ‘Point of Order’ nitong weekend, ibinulgar ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang posibleng dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang imbestigasyon laban sa Big Dipper.
Ang Big Dipper ay subsidiary ng ABS-CBN na accredited sa Philippine Export Zone Authority (PEZA) na ginagamit umano ng Kapamilya Network para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.
”Kung titingnan mo, sa pamamagitan ng paggamit nila ng Big Dipper kung halimbawa ang babayaran nilang amount ay let’s say P100-M ang nababayaran nila ay P5-M na lang. Ang daming nawawala sapagkat ikinakarga nila doon kanilang wholly subsidiary na yun yung dapat na bayaran ay ginagamit nilang expense. Sa makatuwid binayaran nila yung digitization ng kanilang programa. Halimbawa yung ABS-CBN mother company magpapadigitize siya sa Big Dipper magbabayad siya ng halagang P860-M samantalang magagawa naman niyang inhouse yung digitization ay siguro wala pang P50-M yung kanyang magagasta pero ita-transfer niya doon sa isa in the form of expense. Kasi kapagka binayaran niya yun 30% sa income tax ang kanyang babayaran ngunit pagka ayun ay ginamit niya bilang expense sa Big Dipper. Kaya nga magde-declare pa siya ng loss eh wala siyang babayaran eh loss ang kanyang operation dahil imbes na P50-M lang ang babayaran niya eh binayaran niya kunwari P860, 000 ganoon nila ginagamit ‘yan,’’ ang paliwanag ni Deputy Speaker Marcoleta kung paano nagagamit sa tax evasion ang Big Dipper.
Nauna nang nanawagan ang mga kongresista sa BIR na paimbestigahan ang isyu ng Big Dipper.
Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang tugon dito ang ahensiya.
Ngunit ayon kay Marcoleta, hanggang sa BIR ay kapit umano ang ABS-CBN?
“Sa umabot na mga reliable information eh mukhang yung kanilang mga magagaling na auditor at accountants ay may kaugnayan sa pinakamalaking accountancy firm dito sa ating bansa na malakas yata at merong connection sa BIR kaya hindi na nila ito tiningnan,’’ paliwanag ni Marcoleta.
Nangako si Marcoleta na susuriin ito kapag makalusot sa Senado.