Acorda, aminado may pressure sa binigay na term extension sa kaniya ni PBBM

Acorda, aminado may pressure sa binigay na term extension sa kaniya ni PBBM

KASABAY ng pagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., aminado si Police General Benjamin Acorda, Jr. na may pressure sa kaniya ang posisyong ito.

Ayon kay General Acorda, tanging magagawa na lang niya ang pagbutihin ang kaniyang trabaho hanggang sa pagtatapos ng halos apat na buwang ekstensiyon bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

Matatandaang, nagdiwang si Acorda ng kaniyang ika-56 kaarawan nitong linggo na retirement age sa PNP ngunit pinalawig pa ito ng Pangulo.

Giit ni Acorda, hindi niya bibiguin ang pagtitiwala ng Pangulo para pangunahan ang magagandang programa nito partikular sa larangan ng peace and order.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter